Publiko hinikayat na patuloy na suportahan ang mga atletang Pinoy

By Erwin Aguilon December 02, 2019 - 11:28 AM

Umapela si House Majority Leader Martin Romualdez sa publiko para sa tuluy-tuloy na pagbibigay suporta sa mga atletang Pilipino.

Ayon kay Romualdez, mahalaga ang suporta mula sa mga kapwa Pilipino para tuluyang makuha ng bansa ang kampeonato.

Dapat anyang laging isaalang-alang ang kapakanan ng mga Pinoy athletes para sa kanilang ikatatagumpay sa 30th SEA Games.

Pinuri din ni Romualdez ang world-class presentation sa opening ceremony nitong Sabado kung saan ibinida ang kultura at lahing Pilipino.

Bukod dito, ikinatuwa din ng kongresista na muling ipinagmalaki ang ating mga Filipino sports legends na sina Lydia de Vega, Eric Buhain, Bong Coo, Alvin Patrimonio, Onyok Velasco, Paeng Nepomuceno, Akiko Thomson at Efren “Bata” Reyes.

TAGS: atletang Pinoy, House Majority Leader Martin Romualdez, patuloy na suportahan, sea games, atletang Pinoy, House Majority Leader Martin Romualdez, patuloy na suportahan, sea games

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.