Yellow warning nakataas pa rin sa mas maraming lugar sa Visayas

Nakararanas pa rin ng ng tuluy-tuloy at malakas na buhos ng ulan sa mas maraming lugar sa Visayas.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA, alas 11:00 ng umaga ng Lunes, December 2, yellow warning na ang umiiral sa Northern Cebu,Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, at Southern Leyte.

Nagbabala ang PAGASA, na posibleng makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa bulubunduking lugar.

Pinapayuhan ang mga residente na manatiling alerto at mag-antabay sa inilalabas na abiso ng weather bureau.

Read more...