26 sugatan sa aksidente sa Sogod, Cebu
Sugatan ang 26 na pasahero makaraang tumagilid ang isang minibus sa national highway na sakop ng Sitio Sandayong, Barangay Liko, Sogod,Cebu.
Nangyari ang aksidente alas 2:00 ng madaling araw ng Lunes, December 2.
Ayon kay Police Staff Sergeant Raymund Bacordo ng Sogod Police station, patungong Cebu City ang minibus sakay ang 40 mga pasahero, driver at dalawang konduktor ng mangyari ang aksidente.
Sa 26 na mga nasugatan, 5 ang seryoso ang tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Dinala sila sa Cebu City para malapatan ng lunas habang ang iba pa ay dinala sa Sogod District Hospital.
Kinilala ang driver ng bus na si Edgar Munez Atendido, 44 na sumubok mag-overtake sa isang bus sa kaniyang harapan dahilan para mawalan siya ng kontrol at tumagilid.
Mahaharap si Atendido sa kasong multiple physical injury at damage to property.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.