Mga residenteng maapektuhan ng bagyong #TisoyPH pinayuhan ng Malakanyang na maging alerto

Mahigpit na minomonitor ng Palasyo ng Malakanyang ang mga lugar na hahagupitin ng bagyong #TisoyPH.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, pinapayuhan ng Palasyo ang mga residente na maapektuhan ng bagyo na maging alerto.

Payo ng Palasyo, alamin ang lagay ng bagyo sa mga weather advisory, sa mga social media account ng pamahalaan at sa mga local government office maging sa local disaster and tisk reduction management offices.

Sa ganitong paraan sinabi ni Panelo na makagagawa ng kaukulang hakbang ang mga apektadong residente.

Naka blue alert status na aniya ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Operation Center habang naka-standby na rin ang iba’t ibang disaster related agencies.

May naka-preposition na aniya ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dalawang bilyong pisong standby funds.

Ayon sa pagasa direktang maapektuhan ng bagyo ang Bicol Region, Eastern Visayas, Northern Cebu, Dinagat Islands at Siargao Island, kabilang na ang Romblon, Mindoro Provinces, Samar, Eastern Samar at buong CALABARZON, Metro Manila, Central Luzon, eastern portions ng Cagayan at Isabela, at buong Eastern Visayas.

Read more...