Mga residenteng maapektuhan ng bagyong #TisoyPH pinayuhan ng Malakanyang na maging alerto

By Chona Yu December 02, 2019 - 10:59 AM

Mahigpit na minomonitor ng Palasyo ng Malakanyang ang mga lugar na hahagupitin ng bagyong #TisoyPH.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, pinapayuhan ng Palasyo ang mga residente na maapektuhan ng bagyo na maging alerto.

Payo ng Palasyo, alamin ang lagay ng bagyo sa mga weather advisory, sa mga social media account ng pamahalaan at sa mga local government office maging sa local disaster and tisk reduction management offices.

Sa ganitong paraan sinabi ni Panelo na makagagawa ng kaukulang hakbang ang mga apektadong residente.

Naka blue alert status na aniya ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Operation Center habang naka-standby na rin ang iba’t ibang disaster related agencies.

May naka-preposition na aniya ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dalawang bilyong pisong standby funds.

Ayon sa pagasa direktang maapektuhan ng bagyo ang Bicol Region, Eastern Visayas, Northern Cebu, Dinagat Islands at Siargao Island, kabilang na ang Romblon, Mindoro Provinces, Samar, Eastern Samar at buong CALABARZON, Metro Manila, Central Luzon, eastern portions ng Cagayan at Isabela, at buong Eastern Visayas.

TAGS: #TisoyPH, at buong Eastern Visayas., Bicol Region, Central Luzon, Dinagat Islands at Siargao Island, eastern portions ng Cagayan at Isabela, Eastern Samar at buong CALABARZON, eastern visayas, kabilang na ang Romblon, maging alerto, Metro Manila, Mindoro provinces, northern Cebu, Pagasa, Palasyo ng Malakanyang, Samar, #TisoyPH, at buong Eastern Visayas., Bicol Region, Central Luzon, Dinagat Islands at Siargao Island, eastern portions ng Cagayan at Isabela, Eastern Samar at buong CALABARZON, eastern visayas, kabilang na ang Romblon, maging alerto, Metro Manila, Mindoro provinces, northern Cebu, Pagasa, Palasyo ng Malakanyang, Samar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.