17,000 pamilya inilikas sa Bicol Region dahil sa #TisoyPH
Umabot na sa mahigit 17,000 pamilya o katumbas ng 70,000 katao ang inilikas sa Bicol Region dahil sa inaasahang pananalasa ng Typhoon Tisoy.
Ayon kay Office of the Civil Defense Bicol Regional Director Claudio Yucot, inaasahang dadami pa ang bilang ng mga pamilyang ililikas.
Magpapatuloy kasi ang preemptive evacuation ngayong maghapon.
Karamihan sa mga inilikas ay pawang residente ng mga low lying areas at mga lugar na prone sa landslide.
Sa Albay, una nang inilikas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng 25,770 na pamilya o 106,211 na indibidwal na pawang naninirahan sa lahar-flow prone areas sa palibot ng Mayon Volcano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.