Quezon uulanin sa susunod na mga oras
By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2019 - 10:29 AM
Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras sa lalawigan ng Quezon.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, alas 10:12 ng umaga ng Lunes, December 2 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Quezon.
Pinapayuhan ng PAGASA, ang lahat na maging alerto sa pagbaha o pagguho ng lupa.
Pinayuhan din ang mga residente na mag-antabay sa mga susunod na abiso ng PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.