Promulgation sa kaso ng Maguindanao massacre itinakda ng QC RTC sa Dec. 19

By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2019 - 10:23 AM

Itinakda na ng Quezon City Regional Trial Court sa susunod na linggo ang promulgation sa Maguindanao massacre case.

Sa inilabas na kautusan ni QC RTC Br. 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes, sa December 19 ilalabas na ang desisyon sa kontrobersyal na kaso.

Gaganapin ang promulgation sa Quezon City Jail-Annex sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Noong nakaraang buwan ng Nobyembre pa dapat nadesisyunan ang kaso pero humingi ng palugit sa Korte Suprema si Reyes sa paglalabas ng hatol.

Ito ay dahil sa dami ng records ng kaso na kinakailangang i-review ng hukom.

TAGS: maguindanao massacre, Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes, promulgation, QC RTC, maguindanao massacre, Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes, promulgation, QC RTC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.