Mga kumpanya ng langis magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo bukas

By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2019 - 09:56 AM

AFP PHOTO/ JAY DIRECTO

May nakaambang rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Epektibo ang ipatutupad na rollback bukas, December 3 araw ng Martes.

Sa abiso ng mga kumpanyang Shell, Sea Oil, 30 centavos ang mababawas sa kada litro ng gasolina, 65 centavos sa kada litro ng diesel at 50 centavos sa kada litro ng kerosene.

Ang Petro Gazz naman ay may parehong halaga ng rollback sa kanilang diesel at gasolina.

Inaasahang mag-aanunsyo ng parehong halaga ng rollback ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.

TAGS: diesel, gas, gasolina, kerosene, presyo ng produktong petrolyo, rollback, diesel, gas, gasolina, kerosene, presyo ng produktong petrolyo, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.