Pilipinas may 44 na medalya na sa SEA Games

By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2019 - 09:32 AM

Pilipinas pa rin ang nangunguna sa medal tally sa nagpapatuloy na Southeast Asian Games na ginaganap sa bansa.

Sa update, alas 9:00 ng umaga ngayong Lunes, Dec. 2 ang Pilipinas ay mayroon nang 44 na medalya.

Sa nasabing bilang, 22 ang gintong medalya, 13 silver, at 9 na bronze.

Pumapangalawa naman sa pwesto ang Vietnam na mayroon nang 32 medals – 10 dito ay gold, 13 silver at 9 bronze.

Nasa ikatlong pwesto ang Thailand na may 20 medals – 5 gold, 4 silver at 11 bronze.

Ikaapat ang Malaysia na mayroong 8 medals – 4 gold, at tig-2 silver at bronze.

Nasa pang-limang pwesto naman ang Singapore na mayroong 11 medals – 3 gold, 3 silver at 5 bronze.

11 din ang medalya ng Indonesia – 2 dito gold, 4 na silver at 5 bronze,

Nasa pang 7 hanggang pang 10 pwesto ang Cambodia, Myanmar, Brunei Darussalam at Laos.

Habang wala pang nakukuhang medalya ang Timor-Leste.

TAGS: 44 medalya, Pilipinas, sea games, 44 medalya, Pilipinas, sea games

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.