10 sugatan sa pamamaril sa New Orleans

By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2019 - 08:37 AM SHARE(S):

Sampu ang nasugatan sa insidente ng pamamaril sa French Quarter sa New Orleans.

Ang naturang lugar ay papoular na puntahan ng mga turista.

Ayon sa mga otoridad, dalawa sa mga nasugatan ay nasa kritikal ang kondisyon.

Nangyari ang pamamaril sa mataong commercial street malapit sa mga hotel.

Nananatili namang pinaghahanap ang suspek at patuloy na inaalam ang motibo sa pamamaril.

TAGS: 10 sugatan, French Quarter, New Orleans, Pamamaril, 10 sugatan, French Quarter, New Orleans, Pamamaril

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.