Mga aberya sa SEA games ayaw na munang kalkalin ni Pangulong Duterte habang ginagawa ang palaro

By Chona Yu December 02, 2019 - 08:47 AM

Photo courtesy of BCDA

Mananatiling tikom na muna ang bibig ni Pangulong Rodrigo Duterte habang ginagawa ang 30th Southeast Asian (SEA) games sa bansa.

Ayon sa pangulo, ayaw niya munang kalkalin kung mayroong korapsyon sa pag-organisa ng SEA games.

Hindi kasi aniya ito ang tamang panahon lalo’t marami pang bisita sa bansa.

Pero pagtitiyak ng pangulo, may mananagot kapag napatunayan na may nagpabaya sa trabaho kung kaya nagkaroon ng aberya ang preparasyon sa SEA games.

Sa ngayon, nangunguna ang Pilipinas sa may pinakamaraming gintong medalya sa SEA games.

TAGS: aberya sa SEA Games, Rodrigo Duterte, sea games, aberya sa SEA Games, Rodrigo Duterte, sea games

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.