Prime Minister ng Malta magbibitiw sa pwesto

By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2019 - 08:21 AM

Nakatakdang magbitiw sa pwesto si Malta Prime Minister Joseph Muscat kasunod ng kontrobersiya sa paghawak sa kaso ng pagpatay sa journalist na si Daphne Caruana Galizia.

Sa kaniyang pahayag sinabi ni Muscat na bababa siya sa pwesto sa sandaling mapili na ang papalit sa kaniya sa Enero.

Sinabi ni Muscat na ito ang nararapat at tama niyang gawin.

Ang anunsyo ni Muscat ay kasunod ng mga protesta na nananawagan ng kaniyang pagbibitiw sa pwesto.

Si Galizia ay nasawi sa car bomb noong 2017.

Inaakusahan ng kritiko si Muscat na pinoprotektahan ang ilang indibidwal na maaring sangkot sa pagpatay sa journalist.

Si Galizia ay hayag sa paglalantad ng cronyism sa Malta.

Ani Muscat, ginagawa ang lahat para maibigay ang hustisya ya Galizia.

Sa January 12 ang nakatakdang pagbaba sa pwesto ng prime minister.

TAGS: aphne Caruana Galizia, Joseph Muscat, pagpatay sa journalist, Prime Minister ng Malta, aphne Caruana Galizia, Joseph Muscat, pagpatay sa journalist, Prime Minister ng Malta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.