‘Frozen 2’ nagtala ng pinakamalaking kita sa kasaysayan sa pagdiriwang ng Thanksgiving

By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2019 - 07:56 AM SHARE(S):

Muling nagtala ng box office record ang Disney matapos na kumita ng malaki ang Frozen 2 nitong weekend kasabay ng pagdiriwang ng Thanksgiving.

Naitala ng Frozen 2 ang highest-grossing weekend sa kasaysayan ng Thanksgiving matapos kumita ng $123.7 million sa loob ng limang araw na holiday weekend.

Ang rekord ay hawak noon ng pelikulang “The Hunger Games:Catching Fire” na may kitang $109 million.

Sa buong mundo, sa loob ng 12 araw sa mga sinehan ay kumita na ang Frozen ng $738.6 million.

Ang Frozen 2 na rin ang may hawak ng rekord na highest-grossing debut para sa Walt Disney Animation Studios.

Naitala din ng Frozen 2 ang rekord na biggest global opening para sa animated film.

Inaasahang makakasama ang Frozen 2 sa anim na pelikula ng Disney na umabot ng bilyon ang kita.

Kabilang dito ang “Avengers: Endgame”, “The Lion King”, at “Toy Story 4”.

TAGS: Avengers: Endgame, box office record, Disney, Frozen 2, highest-grossing, kumita ng $123.7 million, The Lion King, Toy Story 4, US Thanksgiving, Avengers: Endgame, box office record, Disney, Frozen 2, highest-grossing, kumita ng $123.7 million, The Lion King, Toy Story 4, US Thanksgiving

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.