Suspensyon sa biyahe ng mga sasakyang pandagat sa mga lugar na apektado ng bagyo mahigpit na ipinatutupad ng Coast Guard

Mahigpit na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang baybaying dagat sa mga lugar na may nakataas na gale warning dahil sa Bagyong Tisoy.

Ayon sa Coast Guard sa mga lugar na may gale warning ang PAGASA, bawal ang paglalayag ng mga bangkang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat.

Kabilang sa tinututukan ngayon ng Coast Guard ang mga sumusunod na lugar:

– Batanes
– Cagayan
– Babuyan Islands
– Isabela
– Aurora
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Quezon
– Polillo Islands
– Camarines Provinces
– Catanduanes
– Albay
– Sorsogon
– Samar Provinces
– Leyte
– Surigao Provinces
– Dinagat Island
– Siargao
– Davao Oriental

Ayon sa PCG, aasahan ang malakas na gale force o taas ng alon na aabot sa 2.5 hanggang 4.5 meters sa nabanggit na mga lugar.

Read more...