P5.4-M halaga ng shabu, nasabat sa Pasay

By Angellic Jordan December 01, 2019 - 09:35 PM SHARE(S):

Nasamsam ang mahigit 800 gramo ng hinihinalang shabu sa ikinasang operasyon sa Pasay City, Linggo ng hapon.

Batay sa ulat, isinagawa ang operasyon sa Diokno Boulevard sa Barangay 76 bandang 2:30 ng hapon.

Nakilala ang mga nahuling suspek na sina Noe Ababa, Nasrip Aiman, Erickson Alueta, Rakiin Benito, Florando Capistrano at Abdul Didagon.

Tinatayang nagkakahalaga ang nakuhang ilegal na droga ng P5.4 milyon.

Nakuha rin sa mga suspek ang digital weighing scale at tatlong bote na may lamang tableta.

Sa ngayon, nakakulong ang mga suspek sa kustodiya ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay City Police.

Dinala naman ang ilegal na droga sa Southern Police District Crime Laboratory Office para sa isasagawang pagsusuri.

TAGS: Abdul Didagon., Erickson Alueta, Florando Capistrano, metro, Nasrip Aiman, Noe Ababa, Pasay City, Pasay City Police, Rakiin Benito, shabu, Abdul Didagon., Erickson Alueta, Florando Capistrano, metro, Nasrip Aiman, Noe Ababa, Pasay City, Pasay City Police, Rakiin Benito, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.