outbrain

2 rebelde, patay sa engkwentro sa Butuan City

By Angellic Jordan December 01, 2019 - 09:00 PM SHARE(S):

Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa Butuan City, Agusan del Norte Sabado ng umaga.

Sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at rebeldeng grupo sa Sitio Salvacion, Barangay Bugabos.

Tumagal ng 10 minuto ang engkwentro.

Ayon kay Col. Maurito Licudine, commander ng 402nd Infantry Brigade ng Philippine Army, nadala ng rebeldeng grupo ang katawan ng isa sa mga nasawi.

Naiwan naman aniya ng NPA ang bangkay ng isa pang nasawi at dinala na ito sa mga opisyal ng nasabing barangay para mailibing.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang tig-dalawang AK-47 at M653.

TAGS: agusan del norte, Butuan City, NPA, agusan del norte, Butuan City, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.