Typhoon #TisoyPH, napanatili ang lakas habang tinatahak ang Bicol region
Napanatili ang lakas ng Typhoon “Tisoy” habang tinatahak ang Bicol region.
Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang bagyo sa layong 595 kilometers Silangang bahagi ng Virac, Catanduanes bandang 4:00 ng hapon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kilometers per hour.
Binabagtas ng bagyo ng direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 2:
– Camarines Sur
– Catanduanes
– Albay
– Sorsogon
– Northern Samar
– Eastern Samar
– Samar
Signal no. 1:
– Aurora
– eastern portion ng Nueva Ecija (Cabanatuan City, Cabiao, Gabaldon, Gapan City, General Mamerto Natividad, General Tinio, Jaen, Laur, Pantabangan, Peñaranda, Rizal, San Antonio, San Isidro, San Leonardo at Santa Rosa)
– Rizal
– Bulacan
– Laguna
– Cavite
– Batangas
– Metro Manila
– Oriental Mindoro
– Quezon kabilang ang Polillo Islands
– Camarines Norte
– Masbate kabilang ang Burias at Ticao Island
– Marinduque
– Romblon
– Aklan
– Capiz
– Antique
– Iloilo
– Guimaras
– northern portion of Negros Occidental (Bacolod City, Bago City, Cadiz City, Calatrava, Enrique B. Magalona, Escalante City, La Carlota City, Manapla, Murcia, Pulupandan, Sagay City, Salvador Benedicto, San Carlos City, San Enrique
Silay City, Talisay City, Toboso, Valladolid, Victorias City)
– Northern at Metro Cebu
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Dinagat Islands at Siargao Island
Inaasahang tatama sa bahagi ng Bicol region ang bagyo sa pagitan ng Lunes ng gabi (December 2) at Martes ng madaling-araw (December 3).
Simula sa Lunes, asahan na ang tuluy-tuloy na malakas na pag-ulan sa Bicol Region.
Pakana-kanang malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Samar provinces at Biliran habang katamtaman na kung minsan ay malakas na ulan sa Romblon, Marinduque at Quezon.
Ayon pa sa PAGASA, mapanganib pumalaot ang mga sasakyang-pandagat sa seaboards ng mga lugar na nasa ilalim ng TCWS, seaboards ng Northern at Central Luzon, eastern at southern seaboards ng Southern Luzon, at eastern seaboards ng Visayas at Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.