Menorca may panibagong warrant of arrest mula sa korte sa Marawi

lowell menorca mariel cruzNagpalabas ng panibagong warrant of arrest ang mababang korte laban kay dating Iglesia ni Cristo (INC) minister Lowell Menorca.

Ang warrat of arrest na inilabas ng Marawi Regional Trial Court Branch 10 ay para sa isa pang kasong libelo laban kay Menorca.

Ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame ang nagpadala ng kopya ng warrant of arrest sa Manila Police District (MPD) Station 5 kung saan pansamantalang naka-detain ang dating INC minister.

Agad namang isinilbi ng mga tauhan ng station 5 kay Menorca ang arrest warrant na tinanggap ng kaniyang abogado na si Atty. Mila Cristobal.

Ngayong araw aaisikasuhin ng kampo ni Menorca ang tig-10 libong piyansa sa kasong libelo.

Sinabi ni Cristobal na aalamin nila kung ano naman ang resulta ng insinagawang inquest kay Menorca sa kasong resisting arrest na isinampa sa kaniya ng mga tauhan ng MPD.

Read more...