Dalawa pang gintong medalya sa arnis, nakuha ng Pilipinas

By Angellic Jordan December 01, 2019 - 04:40 PM SHARE(S):

Nasungkit ng Pilipinas ang ikalawang gintong medalya para sa arnis sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Nanguna ang Filipino athlete na si Niño Mark Talledo sa men’s featherweight +55-60-kilogram full contact live stick.

Natalo ni Talledo ang pambato ng Vietnam na si Van Kein Vu.

Samantala, gold medalist din ang atletang si Villardo Cunamay para sa Men’s Live Stick Lightweight ng arnis.

Ginanap ang arnis competition sa Angeles University Foundation.

Dahil dito, mayroon nang 13 gintong medalya ang Pilipinas sa SEA Games.

TAGS: 30th SEA Games, arnis, Niño Mark Talledo, Van Kein Vu, Villardo Cunamay, 30th SEA Games, arnis, Niño Mark Talledo, Van Kein Vu, Villardo Cunamay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.