outbrain

Transmission line ng Pilipinas, hindi ipapa-shutdown ng China – Palasyo

By Chona Yu December 01, 2019 - 05:40 PM SHARE(S):

Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na hindi isa-shutdown ng China ang transmission line ng Pilipinas.

Ito ay kahit na pag-aari na ng China ang 40 percent shares sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na negosyo ang transmission.

Nakapagtataka aniya kung bakit papatayin ng China ang transmission lines gayung malinaw na pera ang layunin ng isang negosyo.

“Mga nagsasabing baka mag-shutdown parang mayao naman yun. Unang-una, negosyo ‘yun ano naman ang reason, ba’t naman nila gagawin yun para patayin ang connection,” ani Panelo.

Ipinauubaya naman ng Palasyo sa Department of National Defense (DND) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang pagtugon kung maituturing na national concern ang pagkakaroon ng China ng malaking share sa NGCP.

TAGS: China, ngcp, POGO, Sec. Salvador Panelo, transmission line, China, ngcp, POGO, Sec. Salvador Panelo, transmission line

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.