LOOK: Catriona Gray, patungong Atlanta para ipasa ang korona sa susunod na Miss Universe

By Angellic Jordan December 01, 2019 - 03:50 PM SHARE(S):

Mula sa New York, USA tumulak na si Miss Universe 2018 Catriona Gray patungong Atlanta.

Ito ay para ipasa ang korona sa susunod na Miss Universe.

Sa Facebook, nag-post ang Filipina beauty queen ng larawan bago umalis sa New York.

Aniya, “super sentimental” ito para sa kaniya dahil suot niya ulit ang boots na ginamit nang unang maglakad sa lobby ng tinutuluyan sa New York noong nakaraang taon.

Si Catriona ang ikaapat na Filipina beauty queen na nakasungkit ng Miss Universe crown.

Samantala, si Gazini Ganados naman ang magrerepresenta sa Pilipinas para sa Miss Universe 2019.

TAGS: Catriona Gray, lifestyle, miss universe, Miss Universe 2018 Catriona Gray, Catriona Gray, lifestyle, miss universe, Miss Universe 2018 Catriona Gray

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.