Rehabilitasyon sa Castilla Port, 100 porsyento nang tapos
Tapos na ang isinagawang rehabilitasyon sa Castilla Port sa Sorsogon, Bicol.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), 100 porsyento nang tapos ang pagpapatayo ng terminal shed ng pantalan.
Sa loob nitong, mayroon nang opisina at sariling palikuran.
Tumagal ang konstruksyon ng terminal shed nang walong buwan.
Itinayo rin sa pantalan ang back up area para sa karagdagang daungan ng mga bangka at para maging mas maluwag na labas-pasok ng mga sasakyan sa pantalan.
Ayon sa ahensya, inaasahang makatutulong ang mga bagong pasilidad ng pantalan sa pag-unlad ng ekonomiya sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.