Twitter account ni Kylie Padilla, na-hack

By Angellic Jordan December 01, 2019 - 02:16 PM SHARE(S):
PHOTO GRAB FROM @kylienicolepadilla/INSTAGRAM

Isa na namang Filipino celebrity ang nabiktima ng hacking incident.

Gamit ang Instagram Story, ipinaalam ng aktres na si Kylie Padilla sa mga tagahanga na na-hack ang kaniyang Twitter account.

“So my Twitter account has been hacked. Just letting you guys know,” ani Kylie.

Makikita sa account ng aktres na wala nang uploaded photos at posts. Wala na rin itong ibang na-follow na account.

Nagparating naman ng pakikisimpatya ang kaniyang mga fans at umaasang maibabalik pa ang account ng aktres.

Matatandaang nabiktima rin ng hacking incident ang aktres na si Kris Bernal.

TAGS: hacking incident, Kylie Padilla, Twitter Account, hacking incident, Kylie Padilla, Twitter Account

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.