Ito ay bunsod pa rin ng inaasahang pananalasa ng Typhoon “Tisoy.”
Sa ulat ng Philippine Coast Guard Bicol, bandang 8:00 ng umaga, nasa kabuuang 1,936 na pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan:
– Matnog Port (1,640)
– Pio Duran Port (140)
– Pilar Port (109)
– Tabaco City Port (47)
Maliban dito, hanggang 11:00, Sabado ng gabi, hindi pinabiyahe ang nasa 521 na rolling cargoes, 18 na fishing vessel at isang motor banca sa mga pantalan.
MOST READ
LATEST STORIES