Ilang pasahero sa pantalan sa Bicol, stranded dahil sa Typhoon #TisoyPH
Stranded ang ilang pasahero at sasakyang-pandagat sa mga pantalan sa Bicol region.
Ito ay bunsod pa rin ng inaasahang pananalasa ng Typhoon “Tisoy.”
Sa ulat ng Philippine Coast Guard Bicol, bandang 8:00 ng umaga, nasa kabuuang 1,936 na pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan:
– Matnog Port (1,640)
– Pio Duran Port (140)
– Pilar Port (109)
– Tabaco City Port (47)
Maliban dito, hanggang 11:00, Sabado ng gabi, hindi pinabiyahe ang nasa 521 na rolling cargoes, 18 na fishing vessel at isang motor banca sa mga pantalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.