outbrain

Pilipinas, nakasungkit ng 5 gintong medalya sa dancesport

By Angellic Jordan December 01, 2019 - 02:00 PM

Muli na namang nadagdagan ang gintong medalya ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Nakuha nina Sean Mischa Aranar at Ana Leonila Manalo Nualla ang tatlong gintong medalya para sa Tango, Viennese Waltz at Five Dance sa standard category ng dancesport competition.

Samantala, naiuwi naman ng magkapareha na sina Mark Hayson Gayon at Mary Joy Renigen ang dalawang gold medals sa Single Slow Foxtrot at Waltz.

Silver medalist naman ang dalawa sa Standarn Quickstep.

Dahil dito, walo na ang gintong medalya ng Pilipinas hanggang 12:00 ng tanghali, December 1.

TAGS: 30th SEA Games, Ana Leonila Manalo Nualla, dancesport, Mark Hayson Gayon, Mary Joy Renigen, Sean Mischa Aranar, 30th SEA Games, Ana Leonila Manalo Nualla, dancesport, Mark Hayson Gayon, Mary Joy Renigen, Sean Mischa Aranar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.