Superb!
Ganito inilarawan ng Palasyo ng Malakanyang ang opening ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo, naramdaman ng taong bayan ang excitement at kaligayahan habang pumapasok ang delegasyon ng Pilipinas.
Ayon kay Panelo, lahat ng nanonood sa Philippine Arena ay nag-iindakan, nagsisigawan at nagkakantahan.
Sinabi pa ni Panelo na maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay napasayaw sa opening ceremony.
“There was a feeling of excitement, happiness habang pumapasok ang delegation. Lahat ng tao nagsisigawan, nag iindakan. We have to congratulate the organizers for the superb opening of the SEA Games,” ani Panelo.
Ayon sa kalihim, madamot at bihira siyang pumuri sa isang performance, pero sa opening ng SEA Games, napabilib siya sa magandang talentong ipinamalas ng mga Filipino.
Napabilib din si Panelo sa uniform at sa barong ng mga atletang Filipino.
“Ako, bihira mamuri ng performance, napakadamot ko pagdating diyan. Maganda talaga. Pati nga iyong uniform,” pahayag ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.