outbrain

WATCH: Mga Filipinong atleta na nakasungkit na ng gold medal sa SEA Games binati ng Malakanyang

By Chona Yu December 01, 2019 - 12:27 PM SHARE(S):

Congratulations!

Ito ang naging pagbati ng Malakanyang sa mga Filipinong atleta na nakasungkit na ng gintong medalya sa ginaganap na 30th Southeast Asian Games.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, talagang nakaka-inspire ang mga atletang Filipino na nagbigay ng papuri at parangal sa bayan.

Hindi maikakaila ayon kay Panelo na maganda amg naging preparasyon ng mga atletang Pinoy.

Sinabi pa ni Panelo na walang substitute ang preparasyon sa anumang uri ng kompetisyon.

“We have to congratulate our Filipino athletes for that. Talagang nakakainspire din. Tsaka maganda ang preparation nila. There’s no substitute for preparation in competition,” ayon kay Panelo.

Linggo ng umaga ng sunud-sunod na makasungkit ng gintong medlya sina Agatha Wong sa Wushu, John Chicano sa men’s triathlon at Kim Mangrobang sa women’s triathlon.

Narito ang buong ulat ni Chona Yu:

TAGS: 2019seagames, gold medal, Salvador Panelo, sea games, sports, We win as one, 2019seagames, gold medal, Salvador Panelo, sea games, sports, We win as one

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.