outbrain

Kim Mangrobang nasungkit ang ikatlong gintong medalya; wagi sa women’s triathlon

By Dona Dominguez-Cargullo December 01, 2019 - 11:22 AM

Nasungkit ni Kim Mangrobag ang ikatlong gold medal ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games.

Nanalo si Mangrobang sa women’s triathlon.

Naging head to head ang labanan nina Mangrobang at Kim Kilgroe sa bike leg, pero nakaungos si Mangrobang pagdating sa run leg.

Ayon kay Philippine Team coach Melvyn Fausto, magandang simula ito para sa bayan.

Bago ang tagumpay ni Mangrobang ay nagwagi si John ‘Rambo’ Chicano ng ginto sa men’s triathlon.

TAGS: gold medal, Kim Mangrobang, sea games, Triathlon, gold medal, Kim Mangrobang, sea games, Triathlon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.