outbrain

Agatha Wong wagi sa Wushu, nasungkit ang ikalawang gold medal para sa Pilipinas

By Dona Dominguez-Cargullo December 01, 2019 - 11:09 AM SHARE(S):

Naidepensa ni Agatha Wong ang kaniyang titulo sa women’s taijiquan sa wushu event sa 30th Southeast Asian Games.

Si Wong ay 2017 SEAGames champion at 2018 Asian Games bronze medalist.

Sa isinagawang laban sa World Trade Center, Linggo (Dec. 1) ng umaga, nanguna si Wong sa kompetisyon nang makapagtala ng 9.67 points.

Ang pambato ng Brunei na si Lachkar Basma ang nakakuha ng silver medal at ang pambato ng Vietnam na si Tran Thi Minh.

TAGS: agatha wong, gold medal, sea games, wushu, agatha wong, gold medal, sea games, wushu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.