Ilang residente malapit sa Bulkang Mayon, ililikas bunsod ng Bagyong #TisoyPH
Magpapatupad ng pre-emptive evacuation ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) sa mga komunidad malapit sa Bulkang Mayon.
Ito ay bunsod pa rin ng inaasahang pananalasa ng Bagyong “Tisoy.”
Ayon kay Teresita Alcantara III, hepe ng MDRRMC, aabot sa 1,500 hanggang 2,000 residente ang ililikas simula sa Linggo, December 1, bandang 1:00 ng hapon.
Aniya, nais lamang nilang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
May banta kasi aniya ng lahar flow sa Barangay Maninila, Tandarora, at parte ng Muladbucad Grande na may layong pitong kilometro mula sa slope ng bulkan.
Pansamantalang mananatili ang mga ililikas na residente sa ilang paaralan sa bayan ng Guinobatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.