Typhoon Kammuri, bahagyang bumagal; Signal no. 1, nakataas na sa Northern at Eastern Samar
Bahagyang bumagal habang napanatili ang lakas ng Typhoon Kammuri, ayon sa PAGASA.
Sa tropical cyclone advisory ng PAGASA bandang 11:00 ng umaga, huli itong namataan sa layong 1,220 kilometers Silangang bahagi ng Southern Luzon bandang 10:00 ng umaga.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.
Tinatahak nito ang direksyong Kanluran Timog-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa Northern at Eastern Samar.
Posibleng pumasok ang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa araw ng Sabado, November 30.
Oras na makapasok ang bagyo ng bansa, tatawagin itong “Tisoy.”
Ayon pa sa weather bureau, posible itong magdulot ng katamtaman hanggang mabigat na buhos na ulan at thunderstorm sa Bicol Region at Samar provinces simula sa Lunes, December 2.
Makararanas naman ng malakas na hangin at mabigat na pag-ulan sa ilang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon at Metro Manila sa Martes, December 3, at Miyerkules, December 4.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.