Tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa Ilocos Sur, Sabado ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 14 kilometers Northwest ng Tagudin bandang 3:18 ng hapon.
May lalim ang lindol na 5 kilometers at tectonic ang dahilan.
Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.