Ito ay sa gitna ng mga pangamba ng pagkontrol at pagshutdown ng China sa power transmission system ng Pilipinas matapos maisiwalat na pagmamay-ari ng State Grid Corporation of China (SGCC) ang 40 percent ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Sa exclusive interview ng CNN Philippines sa pangulo, sinabi nitong hindi siya papayag na kontrolin ng China ang bagay na inalok nito sa bansa.
Pero sakali man anya na gawin talaga ito ng China ay magkakaroon ng gulo.
“Do you intend to cut it? And for what reason? You answer me or I’ll – why would you take control out of a thing that you offered us? I will not allow that. China, you know if you do that, there will be a quarrel,” ani Duterte.
Naniniwala naman ang presidente na hindi ito gagawin ng China sa ngalan ng negosyo at para na rin magkaroon ng mga kaalyadong bansa.
“It’s a business wo why would China cut it?”, kumpyansang pahayag ni Duterte.
“Of course not. You help us… kasi ang China tumulong lang, nagmagandang loob, kasi gusto rin niya yung may kakampi sila kasi puro kakampi ng Amerikano eh. So they’re trying to help everybody na makinig sa kanila,” dagdag pa ng pangulo.
Una nang iginiit ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang na ang mga alegasyon ay walang batayan.
Ayon kay Geng, technical support lang ang ginagawa ng SGCC sa NGCP.