Duterte kay Robredo: ‘Huwag kang tumakbo sa pagka-presidente. Wala kang alam’
Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na huwag tumakbo sa pagka-presidente.
Sa exclusive interview ng CNN Philippines sa pangulo, sinabi nitong wala namang alam si Robredo.
“’Wag kang tumakbong presidente. Wala ka talagang alam,” ayon sa pangulo.
Nilinaw ni Duterte na wala siyang planong tumakbo sa ikalawang termino o mag-endorso ng kandidato sa 2020 presidential elections.
Pero iginiit nito na malalagay lamang sa alanganin ang bansa kapag si Robredo ang naging presidente.
“Hindi na po ako pulitiko, hindi na ako tumakbo. Wala akong kandidato. Ang sinasabi ko lang sa inyo, disgrasya kayo ‘pag si Leni,” ani Duterte.
Para patunayan na walang alam ang bise presidente ay binanggit ni Duterte na dalawang beses itong kumuha ng bar exams.
Muling inalala ng pangulo ang komento ni Robredo ukol sa pagtanggap ng regalo ng mga pulis.
Muling giniit ni Duterte na hindi ito labag sa batas.
“Tapos dalawa kayong senador, in a knee jerk. Akala mo automatic, ah that is immoral, that is illegal, that is unconstitutional. Sabi ko, ‘hoy gaga! I was using the words of the law itself. The anti-grat and corrupt practices,” giit ng pangulo.
“Abogada ka tapos hindi moa lam, tapos mag-presidente ka? Tapos magsabi ka na lang relying on your being a lawyer? Ah patay,” dagdag nito.
Ang pahayag ng presidente ay ilang araw lamang matapos niyang sibakin si Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.