NTC pinatitiyak sa Telcos ang tuloy-tuloy na serbisyo sa gitna ng banta ng Bagyong Tisoy

By Ricky Brozas November 30, 2019 - 01:20 AM

Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng Telecommunication entities sa buong bansa na maging handa sa pagtama ng Bagyong ‘Tisoy’ na may international name ‘Kammuri’.

Sa kanyang memorandum, pinatitiyak ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa lahat ng nasa sektor ng telekomunikasyon na siguraduhin na sapat ang bilang ng kanilang technical at support personnel para maibigay ang tuloy-tuloy na serbisyo-publiko sa gitna ng kalamidad.

Higit na ipinaalala ng ahensiya ang pagkakaroon ng standby generators na may extra fuel, tools at spare equipment sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.

Inatasan din ni Cordoba ang telecommunication companies na maghanda ng mobile cellsites upang kagyat na magamit oras na bumigay ang linya ng komunikasyon sa mga rehiyon na apektado ng bagyo.

At dahil kasalukuyang ginanap sa bansa ang 30th Southeast Asian (SEA) Games, inabisuhan din ng opisyal ang mga Telcos na regular na makipag-ugnayan sa PAGASA para mahigpit na monitoring ng Tropical Cyclone advisory.

Itinalaga naman ni Cordoba si Director Jovita V. Chonglo bilang Focal person ng NTC sa SEA Games kung saan maaring makipag-coordinate sa kanya ang mga nasa hanay ng komunikasyon.

TAGS: #TisoyPH, 24/7 service, National Telecommunications Commission (NTC), NTC Commissioner Commissioner Gamaliel Cordoba, telecommunication companies, #TisoyPH, 24/7 service, National Telecommunications Commission (NTC), NTC Commissioner Commissioner Gamaliel Cordoba, telecommunication companies

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.