2,000 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa Mandaluyong City

By Rhommel Balasbas November 29, 2019 - 11:58 PM

Courtesy of Tetch Torres-Tupas

Nawalan ng bahay ang aabot sa 2,000 pamilya matapos sumiklab ang sunog sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong, araw ng Biyernes.

Ayon kay Mandaluyong City Fire Sr. Insp. Joscar Bongalon, 500 bahay ang natupok ng apoy.

Alas-3:13 pa ng hapon sumiklab ang sunog mula sa bahay ng isang Maria Biada.

Umabot sa Task Force Alpha ang sunog at pitong oras bago ito tuluyang naideklarang under control.

Inaalam pa sa ngayon ang sanhi ng sunog.

Napasugod si Mayor Menchie Abalos sa lugar at kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa barangay officials.

Pansamantalang manunuluyan ang ibang apektadong pamilya sa Panatag court.

TAGS: 2000 families affected, Brgy. Addition Hills, fire hits a residential area in Mandaluyong City, mandaluyong fire, 2000 families affected, Brgy. Addition Hills, fire hits a residential area in Mandaluyong City, mandaluyong fire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.