M3.2 na lindol naitala sa Zamboanga del Norte

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Zamboanga del Norte alas-10:02 Biyernes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 34 kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Manukan.

May lalim itong 14 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...