Sabayang Patak Kontra Polio campaign ng DOH tuloy ngayong araw kahit holiday

Bagaman holiday ngayong araw ng Sabad, Nov. 30, Bonifacio Day ay tuloy ang Sabayang Patak Kontra Polio campaign ng Department of Health (DOH).

Isinasagawa ito sa buong Mindanao at Metro Manila na tatagal hangang ika-7 ng Disyembre.

Payo ng DOH sa mga magulang, pabakunahan na ang kanilang mga anak nae dad 5 pababa.

Maari umanong dalhin sa mga health center ang mga bata.

Ayon sa DOH, ngayong mayroong outbreak ng polio sa bansa ay dagdag proteksiyon ang bakuna upang hindi tamaan ng sakit ang mga bata.

Lahat ng batang wala pang limang taong gulang ay dapat mabakunahan.

Hangga’t may mga batang hindi nabakunahan laban sa polio, patuloy na kakalat ang sakit.

Read more...