CHR kinilala ang kabayanihan ng pulis sa Misamis Oriental na isinakripisyo ang sariling buhay
Kinilala ng Commission on Human Rights (CHR) ang kabayanihang ginawa ng isang pulis sa Misamis Oriental na isinakripisyo ang buhay para iligtas ang nakararami.
Sa pahayag sinabi ng CHR na binibigyan nila ng pagkilala ng katapangan ni Police Major Seargeant Jason Magno.
Dinaganan ni Magno ang granada na nalaglag mula sa nag-aamok na lalaki sa loob ng Initao College sa Misamis Oriental upang hindi na ito makapaminsala ng mas marami.
Ayon sa CHR nakalulungkot na muling nalagasan ang bansa ng isan dedicated na police officer at maituturing na bayani.
Hanggang sa huling sandali ay naging tapat umano si Magno sa kaniyang mandato na magsilbi sa at protektahan ang taumbayan.
Kasabay nito ay nagpaabot ng pakikiramay ang CHR sa mga naulila ni Magno.
Bagaman nasawi na ang suspek sa krimen, nanawawagan ang CHR sa PNP na alamin kung ano ang naging motibo nito.
Excerpt: Kinilala ng CHR ang kabayanihang ginawa ng isang pulis sa Misamis Oriental na isinakripisyo ang buhay para iligtas ang nakararami.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.