Meralco pinaghahanda na ang publiko sa pagtama ng Typhoon Kammuri

By Dona Dominguez-Cargullo November 29, 2019 - 07:18 PM

May mga paalala na ang Manila Electric Company (Meralco) sa publiko sa inaasahang pagtama ng Typhoon Kammuri na may local name na Tisoy.

Bilang paghahanda, nagpalabas ng safety tips ang Meralco sa kanilang mga consumer.

narito ang mga maaring gawin sakaling makaranas ng pagbaha:

– Tiyaking ang main electrical power switch o ang circuit breaker ay naka-off
– Tiyuaking tuyo ang katawan kapag hahawak sa anumang electrical facility
– Alisin ang saksak ng mga appliances
– Patayin ang nakabukas na gamit at i-unscrew ang mga light bulbs kung posible
– alisa ng putik at dumi ang service equipment o main circuit breaker/fuse
– Tiyakin na lahat ng electrical wires, connectors at iba pang wiring devices ay tuyo
– Tiyaking nasusuri ng lisensyadong electrician ang wiring system ng mga appliances
– Huwag munang agad gamitin ang mga appliances na nalubog sa baha

Pinayuhan din ang publiko na tiyaking naka-charge ang cellphones, flashlights, powerbanks at iba pang mahalagang gadgets.

Magagamit kasi ang cellphone sa pagrereport sa Meralco sakaling makaranas ng brownout.

Tiniyak naman ng Meralco na magtatalaga sila ng mga crew para agad umasiste kapag nagkaroon ng problema.

 

TAGS: Meralco, PH news, Philippine breaking news, power interruption, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Kammuri, Meralco, PH news, Philippine breaking news, power interruption, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Kammuri

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.