Typhoon “Kammuri” halos hindi kumilos sa nakalipas na 6 na oras – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo November 29, 2019 - 06:44 PM

Anim na oras na halos hindi kumilos ang Typhoon Kammuri.

Sa 4PM weather update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,455 kilometers east ng Southern Luzon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 170 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, nananatiling Sabado ng gabi o Linggo ng umaga ang posibleng pagpasok sa bansa ng bagyo.

Papangalanan itong Tisoy sa sandaling makapasok sa bansa.

Ngayon pa lamang ay pinag-iingat na ng PAGASA ang mga residente sa Bicol Region, Calabarzon, Central Luzon, at Metro Manila dahil sa posileng epekto ng bagyo.

TAGS: #TisoyPH, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, TyphoonKammuri, weather, #TisoyPH, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, TyphoonKammuri, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.