Palengke sa Arranque sa Maynila ipinasara ng Manila City Government
Matapos matuklasan ang libu-libong kilo ng mga ipinagbabawal na meat products, iniutos ng Manila City Government ang pagpapasara sa isang pribadong palengke sa Sta. Cruz Maynila.
Isinilbi ang closure order sa Salgado Private Market sa Arranque Market Annex sa Soler Street.
Sa nasabing kautusan, nakasaad na nilabag ng palengke ang Meat Inspection Code of the Philippines, Food Safety Act of the Philippines at ang DA No. 26 Series of 2005.
Ito ay matapos matukjlasan noong November 25 ang nasa 3,700 na kilo ng smuggled na meat products sa palengke galing sa China.
Kabilang sa nakumpiska ay mga karne ng Peking Duck, Duck heads, black chicken, at processed meat products.
Natuklasan ding walang business permit ang pribadong palengke.
Ayon sa datos ng Bureau of Permits ng Manila City Hall, walang rekord sa kanila ang Brother Development Corporation na nagmamay-ari ng Salgado Private Market.
Wala din itong Occupational Permits para sa 10 nitong mga manggagawa na malinaw na paglabag sa City Ordinance.
Maliban dito, expired pa ang prankisa ng palengke.
Mananatiling sarado ang palengke hangga’t hindi ito nakatutugon sa mga requirement ng Manila City Hall.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.