P4.8M ipinagkaloob ng DOLE bilang ayuda sa mga manggagawa sa nasunog na Star City

Nagkaloob ang Department of Labor and Employment o DOLE ng emergency assistance fund na aabot sa 4.8 milyong pisong ang halaga para sa mga manggagawa sa nasunog na amusement park na Star City sa Pasay City.

Ang tulong ay bahagi ng emergency employment program ng DOLE na may minimum period na 10 araw at maximum period na 30 araw para sa mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay sa ilalim ng “Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers” (TUPAD) program.

Sa ulat ng DOLE-NCR, kabuuang 393 mula sa 500 na mga manggagawa na isinailalim sa profiling ang natukoy bilang possible TUPAD beneficiaries.

Isinabay naman ang awarding sa inilunsad na trabaho, negosyo, kabuhayan job and business fair na ginanap sa Cuneta astrodome sa pagdiriwang ng 86th founding anniversary ng DOLE.

Pinangunahan nina DOLE Acting Secretary Claro Arellano and Senator Joel Villanueva, ang Chairperson ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development ang ceremonial awarding para sa 300 manggagawa.

Read more...