Coast Guard nakapagtala ng stranded na mga pasahero sa pantalan sa Quezon

May naitalang stranded na mga pasahero sa pantalan sa Northern Quezon ang Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa Coast Guard Station Northern Quezon, may 47 pasahero na stranded sa Port of Real.

Hindi kasi maganda ang lagay ng panahon sa lugar kaya sinuspinde muna ang biyahe ng mga sasakyang pandagat.

Kabilang din sa stranded ang pitong motorbanca at 5 barko.

Read more...