#WALANGPASOK: Klase sa Albay Province suspendido sa Lunes at Martes dahil sa Typhoon Kammuri

By Dona Dominguez-Cargullo November 29, 2019 - 04:38 PM

Suspendido sa Lunes (Dec. 2) at sa Martes (Dec. 3) ang klase sa lahat ng antas sa buong lalawigan ng Albay.

Ito ay dahil sa posibleng pananalasa ng Typhoon na may international name na “Kimmaru” sa Bicol Region.

Ayon kay Albay Gov. Al Francis Bichara, sakop ng dalawang araw na suspensyon ng klase ang mga pampubliko at pribadong paaralan.

Bahagi ito ng paghahanda ng lalawigan sa pagtama ng Typhoon Kimmaru na papangalanang Tisoy sa sandaling pumasok sa Philippine Area of Responsibility.

Ayon kasi sa PAGASA, sa Martes maaring manalasa na sa Bicol Region at Southern Tagalog ang nasabing bagyo.

TAGS: #TisoyPH, Albay, class suspension, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, typhoon kimmaru, walang pasok, #TisoyPH, Albay, class suspension, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, typhoon kimmaru, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.