Guro na nagbebenta ng shabu sa mga estudyante, arestado sa Cebu

By PH News, Philippine Breaking News, Radyo Inquirer Dona Dominguez-Cargullo, Tagalog Breaking news, Tagalog News Website November 29, 2019 - 04:02 PM

Arestado ang isang public school na nagbebenta ng ilegal na droga sa kaniyang mga estudyante.

Dinakip ang suspek na guro sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa bayan ng Dalaguete sa Cebu, biyernes ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Roy Ysao, 40 anyos na inaresto matapos magbenta ng P1,000 halaga ng shabu sa isang police undercover sa labas mismo ng paaralan.

Nakuhanan si Ysao ng limang maliliit na plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Si Ysao ay isang high school teacher.

Ilang linggo nang isinasailalim sa surveillance ng pulisya ang teacher dahil sa ulat na nagbebenta siya ng ilegal na droga sa mga estudyante.

TAGS: dalaguete cebu, drug pusher, drug suspect, PH news, Philippine breaking news, public school teacher, Radyo Inquirer x, Tagalog breaking news, tagalog news website, dalaguete cebu, drug pusher, drug suspect, PH news, Philippine breaking news, public school teacher, Radyo Inquirer x, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.