PNP nakiramay sa pagpanaw ng pulis na isinakripisyo ang buhay at nasabugan ng granada sa Misamis Oriental

Nakiramay ang Philippine National Police (PNP) sa mga naulila ni Police Senior Master Sergeant Jason Magno ng Initao Police Station sa Misamis Oriental.

Isinakripisyo ni Magno ang sarili nang gamitin ang kaniyang katawan para takpan ang granada at maiwasang masabugan nito ang nakararami.

Ayon kay OIC PNP chief, Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa, makaaasa ng tulong ang iniwang pamilya ni Magno.

Kabilang sa matatanggap ng pamilya ni Magno ang mga sumusunod:

• P250,000 mula sa Presidents Social Fund
• P141,000 hanggang P181,000 mula sa Special Financial Assistance (SFA) ng PNP
• Burial benefits na P50,000 pesos
• P200,000 na gratuity mula sa National Police Commission

Bilang miyembro ng Public Safety Mutual Benefit Fund ang miyembro ng pamilya ni Magno ay entitled din sa death insurance.

Bukod pa ito sa tinatayang P15,000 na monthly lifetime pension mula sa PNP at limang taong pensyon mula sa NAPOLCOM.

May tatanggapin ding tulong si Police Senior Master Sergeant Alice Balido na bagaman nasugatan ay nagawang rumesponde at mapatay ang suspek.

Read more...