WATCH: UP Manila nagdaos ng Oblation Run
Nagdaos ng Oblation Run ang mga miyembro ng UP Manila Alpha Phi Omega o APO Fraternity, sa University of the Philippines – Manila.
Ang tema ng kanilang Oblation Run ngayong taon ay “End the Stigma, End the Surge: Fighting the HIV/AIDS Epidemic, Community by Community.”
Ito ay kaugnay na rin sa World Aids Day, na ipagdiriwang sa darating na December 1.
Layon ng tema ngayong taon na maging bukas o mulat ang kaisipan ng publiko ukol sa malayang diskusyon ukol sa HIV/AIDS, na ang mga kaso ay tumataas na sa ating bansa.
Bitbit ng mga tumakbong naka-maskara ang kanilang banners, na may mensaheng itigil na ang stigma sa mga taong may HIV/AIDS.
Ang mga miyembro ng UP Manila APO Fraternity ay namahagi rin ng mga bulaklak na rosas na may kasamang mga condom.
Ayon sa Project Red Ribbon, nakakabahala na nasa 15 hanggang 24-anyos ng mga indibidwal ang mga nakakaroon ng HIV sa Pilipinas.
Anila, ngayong araw ay hindi lamang pagtakbo ng mga taga-APO ang tingnan. Kundi tingnan din ang mensahe ng pagtakbo, at ito ay ang makatulong na mapigil ang paglaganap ng HIV/AIDS sa Pilipinas.
Bukod naman sa Oblation Run, nagkaroon din ng libreng HIV testing at ang resulta ay confidential.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.